Mahigit 220 na residente ng LRB-Manggahan Residences ang nakakuha ng libreng serbisyong medikal nang maglunsad ng Medical Mission ang Community Baptist Church Floodway at APOAMF noong November 8, 2022.
Ilan sa mga serbisyo na proyektong ito ay ang pamimigay ng libreng konsultasyon, gamot, reading glasses at pagbunot ng ngipin.
Ayon sa isa sa mga pasyente na si Marylord Lopez, maraming natulungan at natugunan na mga pangangailangang medikal na makukuha ng mga miyembro. Dahil sa may kamahalan ang ibang mga serbisyo, hindi nila agad-agad na natutugunan ang mga serbisyong medikal tulad ng pagpapatingin sa dentista at pagbili ng salamin sa mga mata.
“Isang magandang nangyari dito ay ang pag-share ng mga spiritual advice, nakaka-inspire sa kabila ng mga karanasan at karamdaman na dinaranas,” dagdag pa ni Marylord.
UPWARD UP is spearheaded by academics from the Ateneo de Manila University, De la Salle University, and Katholieke Universiteit Leuven for the Alliance of People’s Organizations along the Manggahan Floodways.